Ang
pelikula na pinanood sa amin ay pinamagatang "Metro Manila". Ito ay
isang drama at thriller na pelikula ng british director na si Sean Ellis.
Tipikal na buhay probinsya ang mayroon sila oscar. Si oscar ay isang magsasaka
na nagsisikap buhayin ang kanyang mag-ina mula sa pagsasaka sa bukid. Salat sa pera ang pamilya nila pero di naman mawawala ang masasarap na pagkain na nakahain sa harap ng lamesa nila at kasiyahan sa kanilang tahanan. Dahil sa kakapusan ng pera ng kanilang pamilya naisipan nilang makipagsapalaran sa maynila paar sa pag-asang naroon ang asenso nila.
Ang pelikula na ito ay sadyang kamangha-mangha sapagkat ipinapakita ng mga gumanap kung gaano makapamilya ang pelikulang ito. Gagawin ang lahat upang mapabuti ang kalagayan ng pamilya ni oscar. Ang metro manila ay isng wais na pelikula dahil ipinapakita ni oscar kung paano siya nagsikap maghanap ng kanyang trabaho. May isang senaryo nagpapakita kung gaano ka wais si oscar ito ay nung naisip niya na magkaroon ng kwintas at ibakat ang susi doon upang mabuksan ang kahon ng mga pera.
May suspense din sa pelikulang iti sapagkat nagtatrabaho si oscar sa isang kumpanya na sa kanila pinapatago yung pera ng ibng tao at lubhang mapanganib sapagkat buhay ang nakataya para s kaligtasan ng pera na nasa kahon.
Isa sa paboritong senaryo ko sa pelikulang ito ay nung nagkaroon ng alitan si oscar at ong para sa akin sobrang nakakamangha iyon sapagkat ipinapakita ng mga aktor ang kanilang kagalingan sa bawat dialogue na ibinibigkas nila ay madadama mo yung emosyon na nais nilang ipahayag. Isa din sa paboritong senaryo ko ay sa dulong parte ng pelikula na kung saan ipinakita ni oscar ang kanyang pagkamatalino at determinasyon na gawin ang lahat upang maging mabuti ang kalagayan ng kanyang pamilya.
May mga tumatak o naging paboritong actor/actress sa pelikulang ito kabilang na si Oscar Ramirez ang magsasaka n ginanapan ni Jake Macapagal, si Ong na ang gumanap ay si John Arcilla at si Mai Ramirez na asawa ni oscar na ng gumanap ay si Althea Vega. Sa tingin ko ay ibinigay nila ang best nila sa pelikulang ito sa bawat pagkilos at bigkas ng salita sa kanilang mga isinasabi ay madadama mo yung emosyon.
Pagdating sa "Rating System" naman ay 4 over 5 dahil hindi lang ang mga actor/actress ang nagdala ng pelikulang ito kabilang na rin ang cinematographiya at daloy ng kwento sa pelikulang ito. Ang pelikulang ito ay nagpapakita na sa ating buhay ay dapat tayo'y maging mapanuri sa bawat desisyon at sitwasyon na kahaharapin natin sa ating buhay. Alamin ang dapat alamin at maging maingat sa bawat aspeto na kagagalawan mo sa buhay. Ang pamilya ay importante na dapat ding alalahanin ng bawat isa sa atin.
No comments:
Post a Comment