Ang wika ay mahalaga sa isang lipunan sapagkat ito'y isng parte ng kultura, pagkatao o isang pagkakakilanlan ng isang komunidad. Kapansin- pansin ang impluwensya ng kulturang banyaga o wikang banyaga s ating lipunan ngayong mga araw na ito. Ang wika ay tumutukoy sa paraan ng paghahatid ng ideya, impormasyon , kaalaman , kabatiran , kaisipan, karunungan, lohika, mensahe, opinion, pananaw sa paraang pasalita o pasulat.
Batay sa isinagawang pag aaral ng National Statistics Office (NSO) sa 2000 na census of population and housing (CPH), lumilitaw n tinatayang mayroong 150 diyalekta at lenggwahe mayroon tayo sa pilipinas. Sa kasalukuyan ang pilipinas ay may 175 na wika ngunit ang nananatiling ginagamit ay 171 na lamang at ang apat ay lipas na. Nakakalungkot isipin sapagkat ang impormasyon na ito ay nagpapakita na hindi natin pinapahalagahan ang mga wika (etc. Katutubong wika) ng ating bansa.
Ang pananaliksik na ito ay ukol sa dominasyon ng wikang ingles kaysa sa katutubong wikang filipino. Ang wika ay isa sa mga pinakamakapangyarihang aspeto ng tao na makakapagpabago ng mundong ginagalawan nito. Napaparam ang isang wika kung ito ay hindi na ginagamit at naisasalin sa susunod na henerasyon. Pinapalitan ng wikang banyaga at naglalarawan sa mabilis na pag-aangkop ng kabataan sa wikang ingles at sa pangkalahatang lipunan lalo na ang impluwensya nito sa paaralan. Imbes na mabigyan ng diin ang wikang filipino na sumasalamin sa kultura, wikang banyaga ang mas kilala sa makabagong henerasyon ng mas angkupan. (Luhi,2015)
Lubhang napakahalaga ng wikang filipino sa ag-unlad ng ating bansa at sa pag-usbong ng kamalayan ng mga mamamayan. Ngunit nakakalungkot isipin pero mukhang hindi na sumusulong ang sariling wika natin dahil sa dominasyon at pagpasok ng wikang ingles. Kung noong una mas tinututulan ang wikang ingles ngayon ay hindi na, mas ginagamit natin ang ingles kaysa sa sarili nating wika. Sa paaralan, katulad ng naging isyu noon na tatanggalin ang subject na filipino na para sa akin ay isang pagkakamali kung naituloy man sapagkat tunay na napakahalaga ng ating wika.
Mas mabuting ingatan at mahalin ang sariling wika natin sapagkat ito ang magiging kasangkapan o sagisag ng ating kalayaan. Sanayin na natin sa ating mga sarili na mas palaganapin ang paggamit ng wika natin at pag aralan ang ibang katutubong wika upang magkaroon ng pagkakaisa at maunlad na bansa.
No comments:
Post a Comment