Saturday, March 7, 2020

"Bakit ako nagsusulat?"


Ang kasagutan ay dumedepende sa bawat perspektibong ng isang katauhan tungkol sa salitang pagsusulat. Noong unang panahon ang pagsusulat ang nagiging paraan upang makapagpahayag ng impormasyon at makatuklas ng mga bagong kaalaman at makatulong sa pag unlad ng isang sitwasyon. Mayroon naman mga pilosopo na nakilala dahil sa kanilang mga theorya at imbensyon na nagsimula lamang din sa pagsusulat.

Bilang isang estudyante, ang salitang pagsusulat ay hindi na bago pa sa aking isipan. Simulan natin noong ako'y elementarya pa lamang, ako'y nagsusulat noon upang malaman ang itsura at kung paano isulat ang isang alphabeto. Naalala ko ang isa pang dahilan kung bakit kailangan kong magsulat ay dahil sa isang pangyayari na naganap sa aking buhay na kung saan ay magagalit ang aking ina kung 'di ko makukompleto ang pagsusulat ng buong alphabeto. Isa sa mga dahilan din kung bakit ako magsusulat ay upang ipahayag ang aking nararamdaman.

Nang nasa secondaryong pag-aaral na ako, nagsusulat ako upang isulat ang istorya na galing sa malikhain kong isipan na kung saaan ako may kakayahan na gamitin ang iba't ibang elemento at teksto ng literatura. Naranasan ko din na gumawa ng mga tula na may kaakibat na mga imahe at simbolo na makakapagbigay buhay sa aking gawa.

Ang pagsusulat ay mahalaga para sa isang estudyante ngunit nakasanayan ko sa pamamagitan ng paguhit ng isang larawan ay mahalaga para sa akin mas napapahayag ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagguhit kaya sa kasagutan ko kung"bakit ako nagsusulat? " ay dahil kailangan at yun lamang.


No comments:

Post a Comment