Namulat si nene sa mundo na kung saan mahirap ang buhay ng kanilang pamilya, tipong kailangan kumayod upang makamtan ang pangangailangan. Ngunit liban sa kahirapan ay nakukuha pa ring maging masaya ng kanilang pamilya at tignan ang kagandahan ng buhay.
Mga magsasaka ang magulang ni nene at nakatira sila sa isang bahay kubo na napapaligiran ng kayamanan ng kalikasan. Ngunit kahit salat sa pera ang pamilya nila ay di naman maipagkakaila na masarap na pagkain ang nakahain sa hapagkainan nila at masayang nagsasalo.
Nakalipas ang ilang araw napansin ni nene na nagkakasagutan ang magulang niya. Narinig ni nene na sinabi ng kanyang tatay na "Hindi na tama ang ipinaparanas nila sa amin" "May magagawa pa ba tayo?" tanong ng kanyang ina "Eh hindi naman nila tayo pinapahalagahan at hindi na rin ang sistemang ganito. Mga ganid!" wika ng kanyang ama "Basta iwasan mo ng makaalitan si Don Juan alam mo naman kaya niyang gawin sa mga katulad natin" sgot ng kanyang ina "Alam ko , alam ko " sagot naman nito.
Lumipas ang ilang araw at dumating na ang araw ng kaarawan ni nene. Magdamag na nagintay si nene dahil alam niyang may surpresa ang ama niya sa kanya. Sa wakas at dumating na ang kanyang ama saslubungin niya sana ito ng yakap ngunit napansin niya na balisa ito at parang may humahabol sa kanya "Nene asan ang ina mo?" nagulat si nene sapagkat pasigaw na tinanong ng kanyang ama ito "Nasa kawarto po" naguguluhan na sagot ni nene. Mabilis na pinuntahan ng ama niya ang kanyang ina "Maria ihanda mo na yung gamit natin at aalis na tayo. Bilis! " mabilis naman na kumilos ang ina ni nene at sinunod ang sinabi ng kanyang asawa "ano pong nangyayari?" nagtatakang tanong ni nene sa kanyang magulang "Mamaya ko na sasabihin kapag nasa maynila na tayo" sumangayon si nene ngunit naguguluhan pa rin sa kasalukuyang kaganapan.
May kumatok ng malakas sa pintuan ng bahay nila na agad namang pinutahan ng kanyang ama " Antonio halikana't pparating na si Don juan" wika ng kasamahang magsasaka nito "Maria halikana't aalis na tayo" tawag ng kanyang ama sa kanyang ina. Mabilis silang naglakad papaalis ns kanilang tahanan ngunit hindi pa sila gaanong nakakalayo ng may narinig silang paputok ng baril at tunog ng sasakyan na papalapit sa kanila. May ibinigay na kahon ang kanyang ama sa kanyang ina at sinabing " Maria kunin mo ito at gamitin niyo upang mapabuti ang buhay niyo pagdating sa maynila. Bilis! Takbo!" umiiyak na ang kanyang ina at niyakap ang kanyang ama " paalam maria at aking anak tandaan niyong mahal na mahal ko kayo" at umiyak na din si nene, iyon huling paalam ng kanyang ama sa kanila.
Nagising si nene sa kanyang himbing na pagkatulog at pinunasan ang kanyang luha. Iyon ang mga alaala ni nene noong siya ay bata pa at patuloy na aalahanin sapagkat sa musmos na edad pa lamang ay naranasan na niya ito.
ReplyForward
|