Thursday, March 12, 2020

Maikling Kwento




Namulat si nene sa mundo na kung saan mahirap ang buhay ng kanilang pamilya, tipong kailangan kumayod upang makamtan ang pangangailangan. Ngunit liban sa kahirapan ay nakukuha pa ring maging masaya ng kanilang pamilya at tignan ang kagandahan ng buhay.

Mga magsasaka ang magulang ni nene at nakatira sila sa isang bahay kubo na napapaligiran ng kayamanan ng kalikasan. Ngunit kahit salat sa pera ang pamilya nila ay di naman maipagkakaila na masarap na pagkain ang nakahain sa hapagkainan nila at masayang nagsasalo.

Nakalipas ang ilang araw napansin ni nene na nagkakasagutan ang magulang niya. Narinig ni nene na sinabi ng kanyang tatay na "Hindi na tama ang ipinaparanas nila sa amin" "May magagawa pa ba tayo?" tanong ng kanyang ina "Eh hindi naman nila tayo pinapahalagahan at hindi na rin ang sistemang ganito. Mga ganid!" wika ng kanyang ama "Basta iwasan mo ng makaalitan si Don Juan alam mo naman kaya niyang gawin sa mga katulad natin" sgot ng kanyang ina "Alam ko , alam ko " sagot naman nito.

Lumipas ang ilang araw at dumating na ang araw ng kaarawan ni nene. Magdamag na nagintay si nene dahil alam niyang may surpresa ang ama niya sa kanya. Sa wakas at dumating na ang kanyang ama saslubungin niya sana ito ng yakap ngunit napansin niya na balisa ito at parang may humahabol sa kanya "Nene asan ang ina mo?"  nagulat si nene sapagkat pasigaw na tinanong ng kanyang ama ito "Nasa kawarto po" naguguluhan na sagot ni nene. Mabilis na pinuntahan ng ama niya ang kanyang ina "Maria ihanda mo na yung gamit natin at aalis na tayo. Bilis! " mabilis naman na kumilos ang ina ni nene at sinunod ang sinabi ng kanyang asawa "ano pong nangyayari?" nagtatakang tanong ni nene sa kanyang magulang "Mamaya ko na sasabihin kapag nasa maynila na tayo" sumangayon si nene ngunit naguguluhan pa rin sa kasalukuyang kaganapan. 

May kumatok ng malakas sa pintuan ng bahay nila na agad namang pinutahan ng kanyang ama " Antonio halikana't pparating na si Don juan" wika ng kasamahang magsasaka nito "Maria halikana't aalis na tayo" tawag ng kanyang ama sa kanyang ina. Mabilis silang naglakad papaalis ns kanilang tahanan ngunit hindi pa sila gaanong nakakalayo ng may narinig silang paputok ng baril at tunog ng sasakyan na papalapit sa kanila. May ibinigay na kahon ang kanyang ama sa kanyang ina at sinabing " Maria kunin mo ito at gamitin niyo upang mapabuti ang buhay niyo pagdating sa maynila. Bilis! Takbo!" umiiyak na ang kanyang ina at niyakap ang kanyang ama " paalam maria at aking anak tandaan niyong mahal na mahal ko kayo" at umiyak na din si nene, iyon huling paalam ng kanyang ama sa kanila. 

Nagising si nene sa kanyang himbing na pagkatulog at pinunasan ang kanyang luha. Iyon ang mga alaala ni nene noong siya ay bata pa at patuloy na aalahanin sapagkat sa musmos na edad pa lamang ay naranasan na niya ito.

TALUMPATI


Magandang umaga at pagpapala 
nabigyan ako ng pagkakataon  upang ipahayag ang aking sarili 
Mga minamahal kong tagapanuri't tagapakinig
 Isang makasaysayang araw sa ating lahat.

Base sa kinapapalooban ng awiting 
"Ako'y isang pinoy sa puso't diwa
Pinoy isinilang sa ating bansa 
Ako'y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako'y pinoy na mayroong sariling wika".

Simula pa lamang ay nariyan na
Ang wikang ating sinasalita
Napatuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon 
Na tayo din ang nakakasaksi sa pagdaloy ng panahon.

Ang wika ay isa sa mga pinakamakapangyarihang aspesto ng tao na makakapagpabago sa mundong ginagalawan nito. Napaparam ang isang wika kung ito ay hindi na ginagamit o naisasalin sa susunod na henerasyon.

Kasunod ng awitin ay 
"Si gat Jose Rizal noo'y nagwika
Siya ang nagpangaral sa ating bansa 
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika 
Ay higit pa ng amoy sa mabahong isda".

Alalahanin natin ang mga panahon na ang bayan ay nasa kamay ng banyaga
Hanggang ang kalayaan ay natamasa
Sa paglipas ng maraming yugto
At humantong sa kasalukuyan nitong estado.

Ngunit imbes na mabigyan ng diin ang wikang filipino na sumasalamin sa kultura, 
wikang banyaga ang mas kilala sa makabagong henerasyon na mas naangkupan.

Pinakadulo ng awitin ay 
"Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan 
Hangad ko lagi ang kalayaan".

Hangad ko lagi ang kalayaan
Kaya't ang ating kalayaan ay ingatan at mahalin
Upang ang bayang iniibig ay 'di na muling maangkin
At 'di mawalan ng saysay ang ipinaglaban sa atin.

Unawain at tangkiliin ang sariling atin
Hindi dapat ikahiya at maliitin
Kung sa tingin mong ito ay kahihiyan sa atin
Hindi ka isang Pilipino kung ituturing.

Sunday, March 8, 2020

Replektibng Sanaysay


Sa bawat hamon sa buhay merong aral na napupulot sa mga pangyayaring ito, maaring sa ating kamalian at kabiguan sa ating buhay. Ang mahalaga ay natuto tayo sa ating nagawa at iwasang maulit pa ito at kung may pagkakataon itama ay gawin na. Sa tingin ko ang kasalukuyang pagkakamali na nagawa ko ay naging makasarili ako masyado sa mga desisyon ko sa buhay, kung ihahalintulad man ako sa sitwasyon kong iyon ay si narciso lamang ang maari kong katulad. S mitolohiyang griyego, si narciso ay may hitsurang nakababatang anak ng diyos ng ilog na si cephissus at siya ay sinumpa sa na mabighani sa sarili nyang repleksyon.

Nabubuhay ako na may striktong magulang na kung saan ay may sariling batas at tradition sa aming tahanan na dapat sunduin. Bilang isang estudyante din may mga pagkakataon na hindi ako nakakasunod sa nakatakdang oras ng aming pag uwi. Hanggang sa nagkasagutan kami ng aking magulang sa panahong ito pinapakinggan ko lang ang aking sarili na ako yung tama at hindi sila. 

Nagpunta ang aking magulang sa aming eskwelahan upang kumpirmahin ng aking mga sinasabi. Habang naguusap kami napagtanto ko ang aking mga kamalian. Una ay ang pagsagot sa kanila, isa itong pagkakamali spagkat magulang ko pa rin sila at iniisip lang nila ang aking kaligtasan at napagtanto ko rin na dapat nanahimik nalang ako sapagkat hindi ka papakinggan ng taong galit. Pangalawa naman ay kailangan ng maayos na komunikasyon sa aming pamilya. Pangatlo naman ay masyado kong pinapaniwalaan ang aking sarili na isang pagkakamali na dapat pakinggan ko rin yung mga sinasabi ng aking magulang

Dahil sa pangyayaring ito natutunan ko na kailangan kong ipaunawa ng maayos sa aking magulang ang mga lakad na aking pupuntahan upang maiwasan ang pag aalala nila sa akin at magkaroon ng matibay na relasyon at komunikasyon sa amin. Matutong makinig at pakinggan, unawain ang iba.

Pagtatanggol sa sariling wika tungkulin ng bawat pilipino?


Ang wika ay mahalaga sa isang lipunan sapagkat ito'y isng parte ng kultura, pagkatao o isang pagkakakilanlan ng isang komunidad. Kapansin- pansin ang impluwensya ng kulturang banyaga o wikang banyaga s ating lipunan ngayong mga araw na ito. Ang wika ay tumutukoy sa paraan ng paghahatid ng ideya, impormasyon , kaalaman , kabatiran , kaisipan, karunungan, lohika, mensahe, opinion, pananaw sa paraang pasalita o pasulat.

Batay sa isinagawang pag aaral ng National Statistics Office (NSO) sa 2000 na census of population and housing (CPH), lumilitaw n tinatayang mayroong 150 diyalekta at lenggwahe mayroon tayo sa pilipinas. Sa kasalukuyan ang pilipinas ay may 175 na wika ngunit ang nananatiling ginagamit ay 171 na lamang at ang apat ay lipas na. Nakakalungkot isipin sapagkat ang impormasyon na ito ay nagpapakita na hindi natin pinapahalagahan ang mga wika (etc. Katutubong wika) ng ating bansa.

Ang pananaliksik na ito ay ukol sa dominasyon ng wikang ingles kaysa sa katutubong wikang filipino. Ang wika ay isa sa mga pinakamakapangyarihang aspeto ng tao na makakapagpabago ng mundong ginagalawan nito. Napaparam ang isang wika kung ito ay hindi na ginagamit at naisasalin sa susunod na henerasyon. Pinapalitan ng wikang banyaga at naglalarawan sa mabilis na pag-aangkop ng kabataan sa wikang ingles at sa pangkalahatang lipunan lalo na ang impluwensya nito sa paaralan. Imbes na mabigyan ng diin ang wikang filipino na sumasalamin sa kultura, wikang banyaga ang mas kilala sa makabagong henerasyon ng mas angkupan. (Luhi,2015)

Lubhang napakahalaga ng wikang filipino sa ag-unlad ng ating bansa at sa pag-usbong ng kamalayan ng mga mamamayan. Ngunit nakakalungkot isipin pero mukhang hindi na sumusulong ang sariling wika natin dahil sa dominasyon at pagpasok ng wikang ingles. Kung noong una mas tinututulan ang wikang ingles ngayon ay hindi na, mas ginagamit natin ang ingles kaysa sa sarili nating wika. Sa paaralan, katulad ng naging isyu noon na tatanggalin ang subject na filipino na para sa akin ay isang pagkakamali kung naituloy man sapagkat tunay na napakahalaga ng ating wika.

Mas mabuting ingatan at mahalin ang sariling wika natin sapagkat ito ang magiging kasangkapan o sagisag ng ating kalayaan. Sanayin na natin sa ating mga sarili na mas palaganapin ang paggamit ng wika natin at pag aralan ang ibang katutubong wika upang magkaroon ng pagkakaisa at maunlad na bansa. 

Panunuring papel ng pelikula Metro Manila



Ang pelikula na pinanood sa amin ay pinamagatang "Metro Manila". Ito ay isang drama at thriller na pelikula ng british director na si Sean Ellis. Tipikal na buhay probinsya ang mayroon sila oscar. Si oscar ay isang magsasaka na nagsisikap buhayin ang kanyang mag-ina mula sa pagsasaka sa bukid. Salat sa pera ang pamilya nila pero di naman mawawala ang masasarap na pagkain na nakahain sa harap ng lamesa nila at kasiyahan sa kanilang tahanan. Dahil sa kakapusan ng pera ng kanilang pamilya naisipan nilang makipagsapalaran sa maynila paar sa pag-asang naroon ang asenso nila.

Ang pelikula na ito ay sadyang kamangha-mangha sapagkat ipinapakita ng mga gumanap kung gaano makapamilya ang pelikulang ito. Gagawin ang lahat upang mapabuti ang kalagayan ng pamilya ni oscar. Ang metro manila ay isng wais na pelikula dahil ipinapakita ni oscar kung paano siya nagsikap maghanap ng kanyang trabaho. May isang senaryo nagpapakita kung gaano ka wais si oscar ito ay nung naisip niya na magkaroon ng kwintas at ibakat ang susi doon upang mabuksan ang kahon ng mga pera.

May suspense din sa pelikulang iti sapagkat nagtatrabaho si oscar sa isang kumpanya na sa kanila pinapatago yung pera ng ibng tao at lubhang mapanganib sapagkat buhay ang nakataya para s kaligtasan ng pera na nasa kahon.

Isa sa paboritong senaryo ko sa pelikulang ito ay nung nagkaroon ng alitan si oscar at ong para sa akin sobrang nakakamangha iyon sapagkat ipinapakita ng mga aktor ang kanilang kagalingan sa bawat dialogue na ibinibigkas nila ay madadama mo yung emosyon na nais nilang ipahayag. Isa din sa paboritong senaryo ko ay sa dulong parte ng pelikula na kung saan ipinakita ni oscar ang kanyang pagkamatalino at determinasyon na gawin ang lahat upang maging mabuti ang kalagayan ng kanyang pamilya.

May mga tumatak o naging paboritong actor/actress sa pelikulang ito kabilang na si Oscar Ramirez ang magsasaka n ginanapan ni Jake Macapagal, si Ong na ang gumanap ay si John Arcilla at si Mai Ramirez na asawa ni oscar na ng gumanap ay si Althea Vega. Sa tingin ko ay ibinigay nila ang best nila sa pelikulang ito sa bawat pagkilos at bigkas ng salita sa kanilang mga isinasabi ay madadama mo yung emosyon.

Pagdating sa "Rating System" naman ay 4 over 5 dahil hindi lang ang mga actor/actress ang nagdala ng pelikulang ito kabilang na rin ang cinematographiya at daloy ng kwento sa pelikulang ito. Ang pelikulang ito ay nagpapakita na sa ating buhay ay dapat tayo'y maging mapanuri sa bawat desisyon at sitwasyon na kahaharapin natin sa ating buhay. Alamin ang dapat alamin at maging maingat sa bawat aspeto na kagagalawan mo sa buhay. Ang pamilya ay importante na dapat ding alalahanin ng bawat isa sa atin.


Saturday, March 7, 2020

"Bakit ako nagsusulat?"


Ang kasagutan ay dumedepende sa bawat perspektibong ng isang katauhan tungkol sa salitang pagsusulat. Noong unang panahon ang pagsusulat ang nagiging paraan upang makapagpahayag ng impormasyon at makatuklas ng mga bagong kaalaman at makatulong sa pag unlad ng isang sitwasyon. Mayroon naman mga pilosopo na nakilala dahil sa kanilang mga theorya at imbensyon na nagsimula lamang din sa pagsusulat.

Bilang isang estudyante, ang salitang pagsusulat ay hindi na bago pa sa aking isipan. Simulan natin noong ako'y elementarya pa lamang, ako'y nagsusulat noon upang malaman ang itsura at kung paano isulat ang isang alphabeto. Naalala ko ang isa pang dahilan kung bakit kailangan kong magsulat ay dahil sa isang pangyayari na naganap sa aking buhay na kung saan ay magagalit ang aking ina kung 'di ko makukompleto ang pagsusulat ng buong alphabeto. Isa sa mga dahilan din kung bakit ako magsusulat ay upang ipahayag ang aking nararamdaman.

Nang nasa secondaryong pag-aaral na ako, nagsusulat ako upang isulat ang istorya na galing sa malikhain kong isipan na kung saaan ako may kakayahan na gamitin ang iba't ibang elemento at teksto ng literatura. Naranasan ko din na gumawa ng mga tula na may kaakibat na mga imahe at simbolo na makakapagbigay buhay sa aking gawa.

Ang pagsusulat ay mahalaga para sa isang estudyante ngunit nakasanayan ko sa pamamagitan ng paguhit ng isang larawan ay mahalaga para sa akin mas napapahayag ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagguhit kaya sa kasagutan ko kung"bakit ako nagsusulat? " ay dahil kailangan at yun lamang.